Report ng Board of Inquiry sa Mamasapano incident, isasailalim sa pag-aaral ng joint NBI-NPS Special Investigation team

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 1124

DELIMABOI 031315

Agad na isasailalim sa mabusising pag-aaral ng Joint National Bureau of Investigation at National Prosecution Service Special Investigation team ang resulta ng imbestigasyon ng Board of Inquiry kaugnay ng Mamasapano incident.

Ayon kay De Lima, naging mabusisi rin ang pagkuha ng grupo ng dagdag na ebidensya mula sa clash site sa Brgy Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao nitong Miyerkules.

Inisa-isa aniya ng grupo, kasama ang hawak na testigo, ang aktwal na nangyari sa lugar nang mangyari ang engkwentro noong January 25.

Muli ring sinabi ni De Lima na nirerespeto nito ang desisyon ni Moro Islamic Liberation Front chief Al-Haj Murad na ang Malaysian government lamang ang bibigyan nila ng MILF report sa insidente.

Ayon sa kalihim, base sa napagkasunduan ng dalawang panig, idadaanan na lamang ng DOJ sa Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities ang kanilang documentary at evidentiary requests.(Bianca Dava/UNTV News Correspondent)