Reporma sa BuCor, unang pagtutuunan ng pansin ni incoming DOJ Secretary Vitaliano Aguirre

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 1032

JERICO_GUIRRE
Tiniyak ni incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre The Second na isa sa mga una niyang pagtutuunan ng pansin sa oras na maupo siya sa pwesto ay ang pagsasa-ayos sa Bureau of Correction.

Taong 2014 nang mabalot sa kontrobersiya ang New Bilibid Prison matapos madiskubre ang mga kubol at air conditioned room ng mga convicted drug lord sa isinagawang magkakasunod na raid ng National Bureau of Investigation.

Ayon pa kay Aguirre, nagbigay na si President-elect Rodrigo Duterte ng marching order sa kaniya para labanan ang katiwalian sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Samantala pinagaaralan pa nila sa ngayon ang planong paglilipat sa New Bilibid Prison sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija dahil sa patuloy na pagsikip ng lugar para sa mga preso.

(Jerico Albano / UNTV Correspondent)

Tags: ,