Kasalukuyang nasa St. Luke’s Medical Center Quezon City si Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo upang sumailalim sa medical treatment.
Ito’y matapos katigan ng Sandiganbayan ang mosyon ni Ginang Arroyo na makalabas ng Veterans Memorial Center at sumailalim sa medical test at examination na tatagal hanggang alas-kwatro ng hapon bukas.
Una nang inirekomenda ni Dr. Martha Nucum, head ng medical team, at Dr. Antonio Sison, Orthopedic Spine Consultation ng VMMC na dapat sumailalim sa electromyography and nerve conduction velocity si Arroyo.
Ayon kay Sison, maaaring ang problema nito sa cervical spine ang dahilan ng pamamanhid ng kanyang kaliwang kamay.
Sa kasalukuyan, naka-hospital arrest si Arroyo dahil sa alegasyon kaugnay sa paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweeptstakes Office.
Tags: Gloria Macapagal Arroyo, medical treatment, veterans memorial center