Reopening ng borders ng Pilipinas para sa international tourists, inaasahan ng tourism sector

by Radyo La Verdad | February 2, 2022 (Wednesday) | 11390

METRO MANILA – Magsisimula nang papasukin sa bansa ang lahat ng fully vaccinated foreign leisure travelers mula sa visa-free countries sa February 10.

Naniniwala ang Department of Tourism na ito ang magbibigay ng daan upang tuluyang makabawi ang industriya sa naranasang pagkalugmok dahil sa pandemya.

“Our confidence to ease travel restrictions comes from various initiatives undertaken over the last two years and of course we are very strict with the implementation of health and safety protocols. The reopening of our borders to international travelers in just a few days’ time would be the strongest sign yet that the county’s tourism industry is on its way to a full recovery.” ani Department of Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat.

Subalit kasabay ng pagluluwag ng entry protocols sa borders ng Pilipinas, nakasama naman ang bansa sa listahan ng mga nasyong inilagay sa level 4: COVID-19 very high risk level ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Ibig sabihin, pinaiiwasan muna ng Estados Unidos ang mga mamamayan nito na magbiyahe patungo sa Pilipinas.
Ayon sa ahensya, kahit pa up to date na ang COVID-19 vaccines ng isang biyahero o kumpleto na ang bakunang tinanggap nito kabilang ang booster shot, may banta pa ring mahawa at makahawa ito ng COVID-19.

Bukod sa Pilipinas, kabilang din sa US travel advisory ang Singapore, Mexico, Brazil, Ecuador, Paraguay at 6 na iba pa dahil sa matataas na community transmissions ng COVID-19.

Halos 130 bansa na ang kabilang sa level 4: COVID-19 very high-risk ng US CDC.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,