Remittances at BPO Industry, maaaring magpasigla sa Gross Int’l Reserves ng bansa

by Radyo La Verdad | February 18, 2022 (Friday) | 816

METRO MANILA – Kinakikitaan ng posibilidad na magkaroon ng record-high ang Gross International Reserves (GIR) ng Pilipinas dahil sa nananatiling malakas na structural inflows nito, bagaman bumaba ito sa $108.45-B nitong buwan ng Enero mula sa $108.79-B nitong Disyembre ayon kay Rizal Commercial Banking Corp, Chief Economist, Michael Ricafort.

Iniulat ng ekonomista nitong Biyernes (February 11) na sa mga susunod na buwan, ang GIR ng bansa ay maaaring magkaroon ng panibagong record-high dahil sa patuloy na paglago ng structural inflows mula sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) remittances, BPO (Business Process Outsourcing) revenues, foreign tourism revenues pati na ang foreign investment/FDI (Foreign Direct Investment) inflows na karamihan sa record-high nito ay katulad ng record-high noong pre-pandemic.

Ayon rin kay Ricafort, umaabot ng $30-B ang inflow kada taon ng OFW remittances at BPO receipts.

Ang mga inflows na ito ay maaaring makapagparami ng mga fund-raising activity ng parehong government at private sector pati na rin ang mga investment banking lalo na ng mga nasa abroad na maaaring makapagpalakas rin ng GIR ng bansa sa mga darating na buwan.

“Thus, near record-high GIR and prospects of reaching new record-highs in the coming months could further strengthen the country’s external position, which is a key pillar for the country’s continued favorable credit ratings for the second straight year, mostly at 1 to 3 notches above the minimum investment grade, a sign of resilience despite the COVID-19 pandemic that caused downgrades in other countries around the world” ani Rizal Commercial Banking Corp, Chief Economist, Michael Ricafort.

(Julie Gernale | La Verdad Correspondence)

Tags: