Relasyon ng kamara at senado mas mapapabuti kung si Rep. Cayetano ang magiging house speaker ayon sa ilang senador

by Erika Endraca | July 10, 2019 (Wednesday) | 7898

MANILA, Philippines – Naniniwala ang ilang senador na mas mapapabuti ang relasyon ng senado at kamara kung si Taguig City Representative Allan Peter Cayetano ang magiging house speaker.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, sa kasaysayan, si cayetano ang ikalawang dating senador na magiging house speaker, at magkakakilala na aniya sila.

Positibo rin ang pananaw ng ibang neophyte senator kay Cayetano.

“Napalakas na ally at kakampi si soon to be speaker Allan Cayetano “ani Senator Francis Tolentino.

Pero para kay senator Panfilo Lacson kahit dati niyang kasamahan ang uupo  bilang lider ng kamara ay hindi pa rin magbabago ang posisyon niya ukol sa budget.

“Yung presumptive speaker, while it is a fact na advantage na rin yung nanggaling dito sa senate, si congressman cayetano, pero it doesn’t change the reality na specially sa budget , gagawin naming yung dapat naming gawin” ani Senator Panfilo Lacson.

(Nel Maribojoc | Untv News)

Tags: , , ,