Rekomendasyon ng PNP para sa susunod na pinuno ng pambansang pulisya, ibibigay sa Napolcom bago pa makarating sa Pangulo

by Erika Endraca | October 9, 2019 (Wednesday) | 4754

MANILA, Philippines – Wala pang natatanggap na request si Philippinre National Police (PNP) Chief  PGen. Oscar Albayalde mula sa DILG / Napolcom o maging sa palasyo para sa listahan ng mga pagpipilian ng Pangulo para sa susunod na pinuno ng pambansang pulisya.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, hinihintay nila ang request bago nila ipadala ang listahan sa Napolcom. At ang Napolcom na aniya ang bahalang magpadala nito sa Pangulo.

Sa rekomendasyon ng PNP Chief. bukod sa pangalan ay nakasaad din ang kanilang mga accomplishments at ang present position ng mga ito. Sinabi pa ni Banac na maaari ring dagdagan ng Napolcom ang listahan na ipinadala ng PNP kung sa palagay nila ay may karapat dapat pa sa Chief PNP post.

Tiniyak din ni Banac na kasama sa listahan nang irerekomenda ni PNP Chief ang mga miyembro ng command group, pinuno ng national support units at regional directors ng NCRPO.

Ngunit, may mga insidente aniyang wala sa rekomendasyon ng pnp ang pinipili ng Pangulo na maging susunod na pinuno ng pambansang pulisya at nakadepende sa kung sinong opisyal ang pinagkakatiwalaan nito.

Kabilang sa mga lumulutang ang pangalan na posibleng pumalit kay PNP Chief Oscar Albayalde sa kanyang pagre-retiro ay ang kanyang mga mistah na sina: Deputy Chief for Operations PLTGen. Archie Gamboa, The Chief Directorial Staff PLTGen. Camilo Cascolan.

Lumutang din ang pangalan nina Ncrpo Director Pmgen. Guillermo Eleazar, Manila Police District Director Vicente Danao Jr. At ang itinuturing na dark horse na si Firearms and Explosives Office Director PBGen. Val De Leon.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: