Sinuportahan ng Malakanyang ang ginawang hakbang ng National Privacy Commission o NPC na pagrerekomendang sampahan ng criminal charges ang COMELEC at ang chairman nito na si Andres Bautista dahil Comeleak.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, pinupuri nito ang National Privacy Commission o NPC sa pagpanig sa mga taong nalabag ang privacy.
Ito ay kaugnay ng massive data breach noong March 2016 na kung saan nailabas mula sa na-hack na website ng COMELEC ang impormasyon ng mahigit sa labinlimang milyong botante gaya ng fingerprints at passport information.
Nanawagan si Andanar na dapat maglabas ng ulat o imbistigasyon ang COMELEC patungkol sa data breach, upang mapanatili ang kredibilidad at integridad ng electoral process ng bansa.
Ayon pa kay Andanar, kailangang protektahan ng COMELEC hindi lang ang boto ng mga tao kundi mismo ang mga botante.
Una nang binanggit ng NPC na dapat pangalagaan ang personal na impormasyon ng bawat Pilipino.
(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)
Tags: Rekomendasyon ng NPC na sampahan ng kaso ang COMELEC kaugnay ng data leak, suportado ng Malacañang