Reklamong illegal detention laban sa mga opisyal ng Iglesia ni Cristo, hindi bibigyan ng special treament – DOJ

by Radyo La Verdad | September 2, 2015 (Wednesday) | 1515

DELIMA
Walang ibibigay na special treatment ang DOJ sa pagresolba sa mga reklamong isinampa laban sa ilang opisyal ng Iglesia ni Cristo.

Ayon kay Sec. Leila de Lima, dadaan sa regular na proseso ang reklamong illegal detention na isinampa ni Isaias Samson Jr. laban sa walong miyembro ng sanggunian ng INC.

Ibig sabihin, magtatalaga ng prosecutor o prosecution panel upang magsagawa ng preliminary investigation sa mga reklamo.

Ayon naman sa abogado ni Samson na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, nagtitiwala sila sa proseso sa DOJ at malalaman naman nila kung nakompromiso ang kanilang kaso.

Nahaharap sa tatlong count ng illegal detention ang mga opisyal ng INC dahil sa umano’y sapilitang pagkulong kay Samson at sa kanyang asawa at anak.

Sinampahan din ng harassment, threats at coercion ang mga naturang opisyal dahil sa pagbabanta at pananakot upang mapaamin si samson na siya ang blogger na si Antonio Ebanghelista na nagsiwalat ng umano’y katiwalian sa loob ng Iglesa ni Cristo. ( Roderic Mendoza / UNTV News)

Tags: , , ,