Reklamo ng mga customer sa mga manlolokong online seller umabot na sa 15,000 cases ngayong 2020 – DTI

by Erika Endraca | December 7, 2020 (Monday) | 3083

METRO MANILA – Nakaka-alarma ang pagtaas sa 15,000 na mga reklamo kontra online selling scam na nairecord ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong 2020 kumpara sa 2005 filed-complaints noong 2019.

Kabilang dito ang isang nagngangalang Mr Chang, na inirereklamo ang isang sikat na online-selling application matapos na di natanggap ang cell phone na inorder diumano nito sa kanyang salaysay sa programang Serbisyong Bayanihan ngayong ika-7 ng Disyembre.

Matapos umanong makipagtransaksyon ang buyer-complainant sa isang nagpakilalang manager-representative ng online selling application ay 2 beses siyang nagbayad ng downpayment via Gcash ngunit hindi tumupad sa napag-usapan ang accused-party kaya’t dumulog ito sa Serbisyong Bayanihan sa pag-asang mabawi ang perang kanyang inilabas.

Ayon naman kay Attorney Vic Dimagiba ng Laban Konsyumer Inc., estafa ang pwedeng ikaso sa suspected-party ngunit bagamat basic right ng complainant-buyer ang mag avail ng refund ay kinakailangan makapagkita ito ng kaukulang dokumento na magpapatunay sa online transaction ng involved-parties.

Bilang isa ring online-shopper, payo ng resource speaker na laging humingi ng official receipt katunayan na ang isang online seller ay rehistrado sa Bureau of Internal Revenue.

Payo pa ng presidente ng pro-consumer group, dapat na maging mapanuri ang mga mamimili ngayong laganap ang mga transaksyon kung saan di nakikita, nahahawakan, at nakikilatis ang mga ibinebentang produkto sa online markets.

Dapat ding alaming maigi ng bumibili ang impormasyon tungkol sa produktong nais bilhin, kabilang na ang kaakibat na terms and conditions nito.

Bilang isang mamimili, dapat din humanap ang isang buyer ng mas madaming online markets para makapagsagawa ng price-comparison at huwag basta maniwala sa endorsements ng ibang tao.

Kaugnay nito ay nirekomenda ni Atty. Dimagiba sa World Economic Forum na magkaroon ng mga professional at 3rd party na magsasagawa ng independent at professional market review.

Palala ng DTI sa mga konsyumer , sa panahon ng krisis mas maiging maging maalam ang publiko sa kanilang mga karapatan upang makaiwas sa mga online selling scam.

(April Jan Bustarga | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,