Reklamo at sumbong vs pamemeke ng produkto at pamimirata sa bansa, bumaba

by Radyo La Verdad | December 13, 2022 (Tuesday) | 781

METRO MANILA – Patuloy na pinalalakas ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ang pagpapatupad ng batas laban sa mga pinirata at pekeng produkto sa merkado.

Kabilang dito ang pagsasabatas ng ilang hakbang laban sa counterfeiting at piracy.

Batay sa datos ng IPOPHL, 92 na lang ang reklamo at sumbong na kanilang natanggap ngayong taon kumpara sa 153 na bilang nito sa parehong panahon noong 2021.

Katumbas iyan ng 40% pagbaba sa bilang.

Ngunit ayon kay IPOPHL Director General Attorney Teodoro Pascua, tuluyan lang itong masusugpo kung makikipagtulungan din ang publiko.

Isa ang Divisoria sa Maynila sa mga pamilihan na talamak ang bentahan ng mga pekeng produkto, gayunman, dinadagsa pa rin ito ng mga mamimili.

Sa kabila nito, nagbabala ang IPOPHL kaugnay sa pagtangkilik sa mga ganitong mga peke at piniratang produkto.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: