Nakatakdang simulan bukas ng Department of Justice ang muling pag-iimbestiga sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo.
Ipinasya ng Angeles City RTC Branch 58 ang reinvestigation sa Jee Ick Joo slay case sa kahilingan ng Public Attorney’s Office o PAO na tumatayong abogado ni SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Pinadadalo ng DOJ sa pagdinig sina PSupt. Rafael Dumlao, SPO4 Roy Villegas, SPO4 Ramon Yalung, SPO3 Sta. Isabel, PO2 Christopher Baldovino, Gerardo ‘Ding’ Santiago, Jerry Omlang, Christopher Alan Gruenberg at ang katulong ng pamilya ng biktima na si Marisa Morquicho.
Pinadadalo rin sa pagdinig kabilang rin sa haharap sa pagdinig ni Police Senior Superintendent Glenn Dumlao at ang asawa ng biktima na si Kyung Jin Choi.
Tags: Reinvestigation sa kaso ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo, sisimulan bukas