Rehiyon ng Negros, bumuo ng task force na tututok sa epekto ng El Niño phenomenon

by Radyo La Verdad | April 7, 2016 (Thursday) | 3664

LALAINE_TASK-FORCE
Halos tatlong buwan nang hindi umuulan sa malaking bahagi ng Negros Region kaya tuyung-tuyo at nagkabitak-bitak na ang mga taniman rito.

Sa ulat ng Department of Agriculture, mahigit na sa tatlongdaang milyong piso ang halaga ng napinsalang root crops, palay, tubo at livestock sa negros occidental dahil sa matinding tag-init.

Isinailalim na rin sa state of calamity ang ilang lugar sa Negros dahil sa tagtuyot upang magamit ang pondo bilang ayuda sa mga apektadong magsasaka.

Bilang tugon sa lumalalang problema, isang task force ang binuo sa rehiyon upang tutukan ang epekto ng tagtuyot.

Pamumunuan ito ng National Economic Development Authority o NEDA habang miyembro naman ang PAGASA-DOST, Department of Social Welfare and Development, Labor and Employment, Philippine Statistics Authority at iba pang government agencies.

Tungkulin ng grupo na pigilan ang pagtaas sa presyo ng agricultural products sanhi ng kakulangan sa produksyon at supply.

Tiniyak naman ng Department of Agriculture na sapat supply ng mga binhi para sa mga magsasakang apektado ng tagtuyot.

Naglaan na rin ng P416 million ang rehiyon para sa pre-emptive and preparatory actions gaya ng cloud seeding operation, diversion dam projects, procurement and distribution of drought-resilient seeds, water pumps at food assistance.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,