Rehabilitation at reconstruction sa Marawi City, sisimulan na sa lalong madaling panahon

by Radyo La Verdad | October 17, 2017 (Tuesday) | 2401

Sisimulan na sa lalong madaling panahon ang rehabilitation at reconstruction sa Marawi City. Bunsod na rin ito ng kahilingan ng mas nakararaming evacuee na gustong bumalik ng Marawi oras na matapos na ang giyera.

Ayon kay Usec Cesar Yano na siya ring chairman ng Task Force Bangon Marawi, nagdeploy na sila ngayong araw ng isandaan at tatlumpu’t limang personnel upang inspkesyunin ang lugar.

Subalit ayon sa Urban Planner na si Architect Felino Jun Palafox Jr., mas mainam anyang magtayo ng bagong syudad sa Marawi sa halip na irehabilitate ng buo ang nasirang syudad.

Hindi naman pabor si Palafox na bunk houses ang itatayong tirahan para mga nawalan ng bahay gaya ng sa Tacloban.

Ayon naman kay Assemblyman Zia Alonto Adiong, panahon na umano na pag-aralang tanggapin ng kanyang mga kababayan ang pangyayari upang makapagsimula na sila ng panibagong buhay.

 

( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,