Rehab projects sa ilang lugar sa Mindanao na apektado ng kaguluhan, sinimulan na

by monaliza | March 25, 2015 (Wednesday) | 1520

afp

Milyon-milyong halaga ang inaasahang gugugulin ng pamahalaan para sa rehabilitasyon sa ibat-ibang conflict affected area sa probinsya ng Maguindanao.

Pangunahin na rito ang konstruksyon ng infrastructure projects sa mga lugar na lubhang apektado ng kaguluhan gaya ng Mamasapano.

Pinangunahan ng Municipal Mayors sa probinsya at Armed Forces of the Philippines ang launching at ground breaking ceremony ng mga proyekto

Kinabibilangan ito repair o improvement ng isang paaralan sa Tukanalipao, at karagdagang itatayo na 6 na school buildings sa Barangay Libutan, Datu Tahir, Hadji Salik,at Tatak habang dalawa mismo sa munisipalidad ng Mamasapano.

Pangungunahan ang pagtatayo ng mga nasabing proyekto ng army engineers o mga tauhan ng AFP na sakop ng 6th Infantry Division.

Sa darating naman na April 1 ay inaasahang pangungunahan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang JR. ang inauguration ceremony ng itatayong tulay sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano. ( Dante Amento / UNTV News Provincial Correspondent )

Tags: