Rehabilitation at recovery efforts sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, nananatiling malaking hamon ayon kay Pres. Aquino

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 2607

PNOY
Hindi ikinaila ni Pangulong Aquino sa mga nagtapos ng public management sa Development Academy of the Philippines na malaking hamon pa rin sa kaniyang administrasyon ang rehabilitasyon sa mga lugar sa bansa na naapektuhan ng kaguluhan at kalamidad.

Ayon sa Pangulo, bagamat malaki na ang ipinagbago sa sistema ng pamahalaan sa paghahanda sa mga kalamidad, may ilang usapin pa rin sa rehabilitation at recovery efforts ang dapat na maresolba lalo na sa mga lokal na pamahalaan.

Isa sa nananatiling malaking hamon sa kanyang administrasyon ay ang paglilipat sa mga pamilyang nakatira sa danger zone.

Batay sa datos ng National Economic Development Authority noong November 2015, umaabot pa lang sa mahigit labintatlong libong housing units ang naitatayo sa Yolanda affected areas at mahigit isandaang libong units pa ang hindi pa nasisimulan.

Umaasa naman ang Pangulo na nagsilbi sanang aral sa lahat ang mga naranasan ng bansa sa pagharap sa mga kalamidad at krisis.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: ,