Rehabilitasyon sa mga lugar sa Eastern Visayas na napinsala ng bagyong Urduja, sinimulan na

by Radyo La Verdad | December 20, 2017 (Wednesday) | 4618

Tuloy-tuloy pa rin ang rehabilitasyon ng lokal na pamahalaan sa probinsya ng Biliran ng naapektuhan ng bagyong Urduja. Sa ngayon ay naibalik na ang suplay ng kuryente sa Biliran, Cabucgayan, Caibiran at Naval.

Kahapon ay dumating na sa Naval port ang Philippine Navy vessel na may dalang labing dalawang libong relief goods o food packs mula Cebu.

Sa ulat ng lokal na pamahalaan, maaari na ring makapagbyahe ang mga sasakyan papasok at palabas sa lalawigan kahit na sira pa ang tulay na nagdudugtong sa Biliran at Naval matapos na makapagtayo ng temporary footbridge dito.

Nagbukas na rin ng ilang alternate o country roads subalit gu-gugol umano ng anim na oras mula sa dalawa’t kalahating oras na biyahe.

Sa tala ng Biliran PDRRMO, umakyat na sa tatlumpu’t talo ang casualties sa lalawigan habang dalawampu pa ang pinaghahanap kaya hanggang ngayon nagpapatuloy parin ang search at retrieval operation doon.

Samantala, ayon kay PNP Regional Director  PCSupt. Gilbert Cruz, hindi sila magpapatupad ng curfew sa mga residente katulad noong nangyari ang bagyong Yolanda.

Wala umanong malaking posibilidad na magkaroon ng looting tulad nang nangyari sa Tacloban. Subalit nagdagdag sila ng tatlumpong PNP personnel upang magbantay ng seguridad.

 

( Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,