Dalawang taon na ang nakalipas mula ng manalasa ang bagyong yolanda sa Pilipinas, ngunit hanggang sa ngayon napakarami pa ang dapat na ayusin sa mga lugar na nasalanta nito.
Ayon sa National Economic and Development Authority, sa kabuuan nasa kalahating porsyento pa lamang ang rehabilitation project ng pamahalaan na naisasagawa.
Pangunahing tinutukan ang pabahay at pangkabuhayan ng mga biktima ng bagyo
Sa tala ng national housing authority, kailangang makapag tayo ng 205 thousand na temporary shelter para sa mga biktima ng bagyo na target matapos sa katapusan ng taong 2017
Noong December 2015, mahigit 21 thousand ang naipatayong bahay ng NHA, noong June 2016, mahigit 42 thousand, at bago matapos ang taon, inaasahang matatapos ang halos tatlumpung libong bahay.
Ayon sa NHA, maraming proseso at mga batas ang pinagdadaanan ng proyekto kaya nababalam ang mga pa-trabaho
Dahil dito marami sa mga biktima ang nakatira pa rin sa bunk houses kaya irerekomenda na maamyendahan ang batas upang mas mapabilis ang proseso ng mga proyekto na kailangang matapos.
Samantala, nasa 70% pa ng pledges mula sa ibang bansa ang hindi pa rin naibibigay sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Budget and Management, naghihintay lamang sila na ma i-transfer ang mga naturang pondo
Humingi naman ng paumanhin ang pamahalaan dahil sa delay sa rehabilitasyon.
Masyadong malawak ang pinsalang idinulot ng bagyong yolanda kung kayat mangangailangan umano ang pamahalaan ng maraming panahon upang makumpleto ang recovery project sa mga lugar na naapektuhan. (Mon Jocson/UNTV News)
Tags: Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com