Rehabilitasyon ng Maytunas creek sa Mandaluyong City, natapos na

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 2864

Maytunas-creek
Binuksan na ang 1,368 lineal meter na Maytunas creek sa Mandaluyong City na isinailalim sa rehabilitasyon Ng Pasig River Rehabilitation Commission.

Wala na ang mga basura, ang masangsang na amoy dulot ng maruming tubig at wala na rin ang panganib sa kalusugan ng mga residente na naninirahan malapit sa creek.

Ayon kay Pasig River Rehabilitation Commission Executive Dir. Ramil Tan ilang clean-up activities rin ang kanilang isinagawa upang tuluyang malinis ang creek.

Nagpasalamat rin si Tan sa mga residenteng tumulong upang malinis at maisaayos ang creek.

Solar-powered na rin ang mga ilaw sa poste sa tabi ng creek.

Kaya naman ganun na lamang ang pagpapasalamat ng mga residenteng nakatira malapit sa creek dahil maliwanag na ang kanilang lugar.

Gumastos ang lokal na pamagalaan ng 36-million pesos para sa proyekto.

Nakatakda rin silang maglagay ng mga tagapagbantay at barangay post sa kahabaan ng creek upang hulihin at pagmultahin ang magtatapon ng basura dito.

Pakiusap naman si Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos sa mga residente na pangalagaan ang kanilisan at kaayusan sa lugar.

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: , ,