Registration para sa 2019 mid-term elections, nagsimula na

by Radyo La Verdad | July 3, 2018 (Tuesday) | 9086

Binuksan na kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang mga opisina sa iba’t-ibang panig ng bansa para tumanggap ng mga registration ng mga botante para sa May 13, 2019 national and local elections.

Paalala ng ahensya lalo sa mga first timer, siguruhing tama ang impormasyon at kumpleto ang pangalan na kanilang inilalagay sa registration form.

Nguni’t higit sa lahat ayon kay Dir. James Jimenez, mahalaga na makumpleto ng isang indibidwal ang biometrics upang maging ganap na registered voter.

Mahalaga aniya ang biomterics na isang botante upang ma-verify ang personal information nito. Magiging basehan ito ng Comelec para masigurong walang halong daya ang pagkatao ng isang indibidwal.

Bukas ang Comelec field offices para sa mga nais magparehistro mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon hanggang sa ika-29 ng Setyembre 2018.

Samantala ayon kay Dir. Jimenez, hindi na ire-require ang voter’s ID para sa darating na halalan lalo na’t natigil na ang pagiimprenta ta pag-iisyu nito simula pa noong 2012.

Libo-libo pa aniya ang unclaimed voter’s ID sa mga Comelec offices hanggang ngayon. Ito aniya ang tugon ng Comelec sa panukala ng Kongreso na magtatag ng national ID system sa bansa.

 

 ( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,