Hanggang ngayong araw na lang maaaring magpa-rehistro ang Party-list groups na gustong lumahok sa 2016 elections.
Ayon sa Comelec, hindi sila magbibigay ng extension sa registration at pagsusumite ng manifestation of intent to participate.
Ang mga grupong nagsumite ng aplikasyon ay dadaan sa deliberasyon ng Comelec kung papasa sa qualifications na itinakda ng batas upang mapabilang sa party-list groups na pagpipilian ng mga botante.
Inaasahan na ng Comelec ang paglahok ng mas maraming political party sa darating na halalan kasunod na rin ng 2013 ruling ng Supreme Court na hindi kailangang kinatawan ng Marginalized sector ang isang partido para makasali sa Party-list system.
Sa October 12-16 naman itinakda ng Comelec ang submission of nominees ng mga partido pero hindi pa pinag-uusapan kung sasalain nila ang mga ito.