Registered voters list, inilabas na ng embahada ng Pilipinas sa Canada para sa Ottawa, Toronto at Manitoba

by Radyo La Verdad | April 8, 2016 (Friday) | 2190

CANADA
Nailabas na ng embahada ng Pilipinas sa Canada ang opisyal na listahan ng mga registered voter na maaring makaboto sa pamamagitan ng Overseas Absentee Voting.

Sa talaan ng embahada mayroong kabuuang 41,984 registered voters sa Ottawa, Toronto at Manitoba.

Handa narin ang mga konsulado at ang embahada ng bansa sa automated election system at modified postal voting na siyang gagamitin sa taong ito.

Samantala nagsagawa rin ng final testing at sealing ng Vote Counting Machines o VCM ang mga representatives ng konsulado na binuksan sa publiko at media kabilang ang UNTV.

Ayon kay Ambassador Petronila Garcia, dapat na maging matalino ang ating mga kababayan sa pagboto at kilalanin kung sino ang magseserbisyo ng totoo sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

(Noel Poliarco/UNTV NEWS)

Tags: ,