Aalis patungong Japan si Pangulong Rodrigo Duterte sa October 29 para sa tatlong araw na working visit.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, bukod sa pagpapatibay ng bilateral ties ng dalawang bansa, tatalakayin din nina President Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang tungkol sa palitan ng kalakalan, suporta sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao at seguridad sa rehiyon.
Inihahanda na rin aniya ng Japan ang tulong para sa pagbangon ng Marawi City mula sa krisis. Ito na ang ikalawang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Japan.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: duterte, Japan, Prime Minister Shinzo Abe