Reformation center para sa mga drug dependent sa Hagonoy, Bulacan, binuksan na

by Radyo La Verdad | October 4, 2016 (Tuesday) | 1558

nestor_reformation
Pormal ng binuksan ang bahay pagbabago reformation center ng sa Barangay Iba, Hagunoy, Bulacan.

Ito ay magsisilbing rehabilation area ng mga sumukong drug dependents sa Oplan Tokhang.

Dalawamput anim na kalalakihan, mula sa dalawamput anim na barangay ang dadaan sa isang buwang programa ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development at TESDA.

Kinakailangang aprubado ng barangay at may pahintulot ng pamilya para mabilang sa reformation center.

Maliban sa Hagunoy nakatakda narin buksan ang mahigit dalawampung bahay pagasa sa iba pang bayan sa Bulacan.

Nasa dalawang daan at limampung libong piso ang nagastos sa pagpapagawa sa rehabiltation center, kasama narin dito ang bagong electric fan, kama at mga lamesa.

Sa buong Bulacan pangalawa ang Hagunoy sa pinakamaraming sumukong drug user na umabot na ng dalawang libo, nangunguna naman ang Malolos na na may tatlung libong sumuko.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , ,