Reform Philippines Coalition, hiniling sa Office of the Ombudsman na aksyunan na ang mga isinampang reklamo laban sa COMELEC

by Radyo La Verdad | December 18, 2015 (Friday) | 996

BIANCA_COMELEC
Limang taon nang nakabinbin sa Office of the Ombudsman ang dalawang reklamong isinampa ng election watchdog na Reform Philippines Coalition at Civil Society Group na tanggulang demokrasya laban sa mga dating opisyal ng Commission on Elections.

Kaugnay ito ng pagtanggal sa apat na security features ng Precinct Count Optical Scan o PCOS machines noong 2010 at 2013 elections.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nareresolba ang nasabing mga reklamo.

Kaninang umaga, nagtungo ang Reform Philippines Coalition sa anti-graft court at naghain ng “citizens’ appeal” na muling buhayin ang kaso.

Kasama sa mga pumirma sa petisyon ay mga bishop sa Catholic Bishops’ Conference of the Philipines, mga heneral, at mga dating mambabatas at opisyal ng pamahalaan.

Hiniling din ng grupo, na maibalik na ang apat na security features ng voting machines upang masiguro ang malinis na halalan sa susunod na taon.

Ibig sabihin, hindi kayang tukuyin ng poll body kung mayroon o walang malisyosong computer program na nagpapatakbo sa pcos machines.

Nilinaw din ng reform Philippines Coalition na hindi na nila kailangang maghain pa ng petisyon sa Supreme Court upang puwersahin ang COMELEC na ibalik ang security features dahil mandated anila ito sa ilalim ng Republic act 9369 o ang automated elections law.

Nakasaad rin ito sa kontrata ng polly body sa Smartmatic corporation.

(Bianca Dava / UNTV Correspondent)