Red Tide Alert nakataas pa rin sa ilang lugar sa bansa

by Erika Endraca | October 18, 2019 (Friday) | 18248

MANILA, Philippines – Pinagbabawal muna ng Bureau Of Fisheries And Aquatic Resources (BFAR) ang pang hango ng mga shellfish sa ilang lugar sa bansa dahil mataas na red tide toxin.

Sa abiso BFAR kasama sa mga lugar na may shelfish ban ay ang Puerto Princesa Bay Sa Palawan, Coastal Waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Irong-Irong, San Pedro at Silanga Bays sa Western Samar at Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte.

Ayon sa BFAR, ang lahat ng shellfish at alamang na nakukuha sa naturang mga lugar ay hindi ligtas kainin.Maaari namang kainin ang mga nahuhuling isda, pusit, hipon at alimango na nakukuha sa nabanggit na lugar subalit kailangang linisin itong mabuti bago lutuin.

Tags: ,