P56.2M, inilaang pondo ng pamahalaan para sa biktima ng bagyong Nona

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 1789

COLOMA
P56.2M, inilaang pondo ng pamahalaan para sa biktima ng bagyong Nona

Naglaan ang pamahalaan ng P56.2M na assistance para sa naapektuhan ng Bagyong Nona.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang naturang pondo ay naipamahagi na sa Region 2 o Cagayan Valley, Region 4-A o CALABARZON, Region 4B o Mimaropa, Region 5 o Bicol region at Region 7 o Central Visayas.

Naghanda na rin aniya ang Dept. Of Social Welfare and Devt. o DSWD ng tinatayang P674M bilang standby funds.

Gayundin ang P111.5M na halaga ng pagkain at non-food items at mahigit sa 204,000 food packs na nasa regional offices ng DSWD sa Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN at CARAGA bukod pa sa national operations center nito sa Maynila.

Samantala, ani Coloma, hindi naman nakaapekto sa paghahatid ng relief goods sa Samar ang nangyaring pag ambush ng NPA sa convoy ng mga militar at tauhan ng DSWD sa naturang lugar noong nakaraang Biyernes ng umaga.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , , ,