MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino sa harap ng mga senador habang dinidinig ang panukalang pondo ng ahensya para sa susunod na taon, na mismong mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) umano ang kadalasang nagre-recyle ng mga ilegal na droga na nakukumpiska ng mga otoridad.
Pahayag pa ni Aquino mayroong isang grupong regular na bumibili ng mga Recycled Illegal Drugs sa bansa na hanggang ngayon kay tinutugis pa rin nila. Naaralma ang mga senador sa pahayag na ito ng PDEA at iginiit ang paggamit ng body cam.
Samantala, problema rin umano ng PDEA ang P22-B na halaga ng ilegal na droga na hindi pa rin nasisira dahil ginagamit na ebidensya sa korte. Sa Lunes ipatatawag ng senado ang ilang opisyal ng supreme Court para makagawa ng paraan para agad madispose ang mga naturang ilegal na droga.
(Grace Casin | UNTV News)
Tags: ilegal na droga, pdea