Recruitment ng mga fraternities at sororities sa University of Santo Tomas, sinuspinde

by Radyo La Verdad | May 23, 2018 (Wednesday) | 5473


Sinuspinde ng pamunuan ng University of Santo Tomas ang operasyon ng iba’t-ibang fraternity at sorority group sa buong unibersidad, epektibo sa susunod na school year.

Sa isang memorandum order ng Office of the Student Affairs ng UST na ipinost sa kanilang official twitter account.

Ipinag-utos ng unibersidad ang pagpapahinto ng recruitment ng mga estudyante at iba pang aktibidad na isinasagawa ng mga fraternity, sorority at iba pang mga kahalintulad na organisasyon sa UST.

Ang naturang suspensyon ay ipinag-utos ng eskwelahan matapos ang pagkamatay ng UST law student na si Atio Castillo sa kamay ang Aegis Juris fraternity dahil sa madugong hazing.

 

Tags: , ,