Dumalo si Pangulong Benigno Aquino the third sa 111th founding anniversary ng Bureau of Internal Revenue sa Quezon City.
Batay sa ulat ng ahensya kay Pangulong Aquino, tumaas ang nakolektang buwis mula sa mahigit 822 billion pesos noong 2010 ay umakyat ito sa 1.3 trillion noong 2014.
Sa 1st quarter ng 2015 ay nakakolekta ang BIR ng 705.87 billion pesos na mas mataas ng 9.74 percent kumpara sa nakaraang taon na kaparehong period.
Ayon kay Pangulong Aquino posibleng maabot ng ahensya ang record-high tax collection ngayong 2015 na 1.5 trillion pesos.
Sa ilalim naman ng Run After Tax Evaders Program, mula 2010 hanggang July 2015, kabuuang 380 na criminal complaints ang nai-file sa Department of Justice
Sa ilalim rin ng administrasyon ni Commissioner Kim Henares, naipasara ng ahensya ang 1,231 business establishments dahil sa paglabag sa tax code.
Pinasalamatan naman ng Pangulo ang ahensya.