Patuloy na umiiral ang record-breaking cold snap sa America na nagsimula pa noong nakaraang Huwebes. Kumalat na ito sa mas maraming lugar at nakarating na sa may bahagi ng Florida.
Ayon sa U.S. National Weather Services, magsisimula nang tumaas ang temperatura sa karamihan ng lugar sa bansa simula bukas ngunit inaasahang muli itong bababa sa Huwebes lalo na sa north east ng Amerika kabilang na dito sa Newyork kung saan nakataas ang snow storm forecast.
Samantala, apat na ang naitalang patay na hinihinalang dahil sa cold temperature related incidents sa buong bansa. Dalawa dito ay mula sa Milwaukee, at dalawang homeless mula sa West Virginia at Detroit na nakitang patay sa labas ng isang simbahan.
Karamihan naman sa mga paaralan sa Eastern United States ay nagsuspinde na ng klase ngayong araw na sanay unang araw ng klase matapos ang holiday dahil sa life threatening temperatures.
Maraming lugar sa bansa ang nakaranas ng record low temparatures ngayong araw gaya ng sa South Dakota na negative 39 celsius na mas malamig sa huling record noong 1919.
( Aaron Romero / UNTV Correspondent )
Tags: Estados Unidos, lamig, record-breaking