Tuluyan nang isinantabi ng Commission on Elections ang inihaing recall election laban kay Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado.
Sa 16 na pahinang omnibus resolution na ipinalabas ng poll body, kapos ang bilang na 138,506 na beripikadong pirma para ipetisyon na palitan si Alvarado.
Batay sa Section 6 ng Comelec Resolution 7505, kailangan ng 183,070 pirma o sampung porsyento ng kabuuang bilang ng registered voters sa Bulacan.
Bagama’t umabot sa mahigit 319,797 ang nakalap na pirma, nasa 181,201 naman invalid.
Ipinaliwanag din ng Comelec na kulang na sa oras para magsagawa ng recall election dahil nalalapit na ang national elections sa May 9, 2016.