Hindi na maaaring ire-appoint ng pangulo sa kaparehong posisyon ang sinumang opisyal ng pamahalaan na hindi makakapasa sa Commission on Appointments simula ngayong araw.
Ito ang nakapagkasunduan matapos amyendahan kahapon ang kasalukuyang panuntunan ng CA.
Kabilang din sa pagbabago ay pagpapatupad ng “three strike rule” kung saan dapat nang pagbotohan ng mga miyembro ng komisyon kung aaprubahan o irereject ang isang nominee kapag tatlong beses na ito na-bypass o hindi lumusot agad sa hearing.
Papayagan na rin ng CA ang ballot o secret voting kung saan hindi nalang pagtataas ng kamay at ayes at nayes ang paraan ng pagboto kung ikukumpirma ang nominee.
Labing tatlong boto ang kinakailangan upang maaprubahan o tanggihan ang nominasyon ng opisyal.
Kung sakali namang magsagawa ng executive session ang komisyon, hindi maaaring isapubliko ang anumang napagusapan kung hindi ito sasangayunan ng 2/3 ng mga miyembro.
Hindi naman nagbago ang komposisyon ng CA sa kabilang ng nangyaring reogranization ng Senado.
Tags: CA, papayagan, Reappointment