Maaga pa lamang ay marami na rin ang naghain ng kanilang kandidatura bilang senador sa unang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) kahapon.
Unang dumating si PDP Laban President Senator Aquilino Koko Pimentel na kasama ang kaniyang partner na si Kathryna Yu.
Maaaga aniya siyang nag-file dahil sa susunod na linggo ay busy na siya sa kaniyang kasal.
Pangalawang naghain ng kandidatura ang 65 anyos na musician na si Freddie Aguilar na tatakbo siya sa ilalim ng ruling party na PDP Laban.
Naghain rin ng COC ang dating mambabatas na si Neri Colmenares at Marawi Bakwit leader na si Samira Gutoc.
May iba namang political aspirant na dati nang naideklarang nuisance canidate na gusto muling sumubok na makapasok sa senatoriables.
Mayroon sa kanila, nangako na ipaglalaban ang karapatan sa teritoryo ng bansa.
Si Daniel Martira na ilang beses na ring sumubok na makapasa bilang senatoriable candidate at ipaglalaban umano niya ang Pinoy rock at may mensahe sa kaniyang iniibig.
Tinatapatan naman ito ni Agi Tuana na ipaglalaban ang karapatan ng mga nagtitinda ng saging.
May mga kandidato naman na muling pinababalik ng Comelec dahil lumang form ang kanilang nafill-up.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, noong nakaraang eleksyon, sa 140 na nagfile ng COC, 50 lamang ang nakapasa sa kwalipikasyon. Maliit rin aniya ang porsiyento ng mga kababaihan na nananalo sa national post.
Sa kabuoan, sa unang araw ng filing, 27 ang nagfile ng COC kahapon na tatakbo sa pagkasenador.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )