Re-alignment at dagdag pwersa ng militar kailangan sa pagsugpo ng kriminalidad

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 2539

Lgen.-Ricardo-Visaya
Naniniwala ang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines na si Lieutenant General Ricardo Visaya na kailangan ng re-alignment at dagdag na pwersa ng militar upang magawa ang ipinag-uutos ni President-Elect Rodrigo Duterte na pagsugpo sa kriminalidad at ilegal na droga sa bansa.

Isa sa mga proposal nito kay President-Elect Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng presidential task force na binubuo ng mga pulis at sundalo upang sugpuin ang suliranin ng bansa sa ipinagbabawal na gamot.

Katulong ng Philippine National Police ang AFP sa pagpapatupad ng batas o law enforcement operation, subalit sa ngayon, nakatuon ang pansin ng militar sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa at pagsugpo ng insurgencies at locale terrorism.

(UNTV RADIO)

Tags: