RCBC, posible ring magsauli ng salapi sa Bangladesh government dahil sa nangyaring $81-million laundering activity

by Radyo La Verdad | April 13, 2016 (Wednesday) | 1308

ROSALIE_TAN
Sa ikalimang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa 81-million US dollar money laundering scheme, direktang nagbigay ng ideya si Senator Ralph Recto sa on-leave Chief Executive Officer ng RCBC na si Lorenzo Tan sa isang desisyon na maaaring ikonsidera ng Board of Directors ng bangko.

Noong 2015, kinumpirma ni tan na 5.6 billion pesos ang kinita ng RCBC samantalang 534 billion pesos ang kabuuang halaga ng assets nito.

Inamin din ng RCBC na naapektuhan din ang market capital nito ngayong taon dahil sa kontrobersyal na 81-million US dollar laundered money.

Subalit ayon kay Senator Recto, magbigay man ng 2.2 billion pesos ang rcbc sa Bangladesh government, may natitira pa rin itong tatlong bilyong pisong kita.

Dagdag pa nito, sa pamamagitan ng pagtatama sa mga naging kakulangan sa proseso ng RCBC hinggil sa mga transaksyon ng 81-million US dollars, maaari ulit mabawi ng bangko ang talagang market price nito.

Sangayon naman si Tan sa ideyang ito ng senador.

Samantala, ayon naman sa presidente at chief operating officer ng PAGCOR na si Eugene Manatalastas, tinatayang 48 milyong piso ang kinita nito dahil sa mga transaksyon ng junket operator at player sa mga casino ng pondong nagmula sa 81-million laundered money.

Posible namang maibalik ng pagcor ang pondong ito kung pahihintulutan ng pangulo.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,