Ratification ng TRAIN bill sa Kamara, invalid ayon Makabayan congressmen sa korte

by Radyo La Verdad | December 14, 2017 (Thursday) | 3630

Ilang beses umanong sinubukang kuwestyunin ni Act Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio ang ratipikasyon ng Kamara sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN pero hindi umano siya pinakinggan sa plenaryo. Para sa Makabayan congressmen, invalid ang ratipikasyon nito.

Ayon kay Tinio, niratipikahan ito kagabi ng hindi pinagbotohan at walang sapat na bilang ng mga kongresista o walang quorum, bagay na labag umano sa rule 10 section 63 ng Kamara. Isa sa mga option ng Makabayan congressmen ang kuwestiyunin ito sa Korte Suprema.

Ayon naman kay House Majority Floor Leader Rudy Fariñas, karapatan ng sinumang miyembro na kuwestiyunin ito sa korte.

Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN ay kasama sa mga priority bill ng Duterte administration na inaasahang tutulong ng malaki sa mga empleyado na mababa lamang ang kita at magisisilbi namang isa sa pagkukunan ng pondo para sa Build Build Build program ng pamahalaan.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,