Rappler, sinampahan ng P133-M tax case ng BIR

by Radyo La Verdad | March 9, 2018 (Friday) | 11305

Sinampahan na ng tax evasion complaint ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang online news site na Rappler.

Ayon sa BIR, umaabot sa P133 milyong ang hindi nabayarang buwis ng Rappler para sa taong 2015, kasama na dito ang income tax at value added tax.

Kasama sa mga hinahabol ng BIR ang presidente at CEO ng Rappler na si Maria Ressa at ang treasurer nitong si James Bitanga.

Isinama sa kanilang reklamo ang certified public accountant na si Noel Baladiang dahil pinirmahan at sinertipikahan nito ang financial statements ng Rappler kahit malinaw na hindi idineklara ng kumpanya ang totoo nitong kinita.

Tags: , ,