Rappler CEO Maria Ressa, nakapagpiyansa na matapos arestuhin

by Radyo La Verdad | March 29, 2019 (Friday) | 6192

METRO MANILA, Philippines – Nakapaglagak na ng piyansa si Rappler CEO Maria Ressa matapos itong arestuhin kaninang umaga, March 29 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong paglabag sa Anti-Dummy Law.

Nagbayad ng 90,000 pesos si Ressa sa branch 268 ng Pasig Regional Trial Court para sa pansamantalang kalayaan nito.

Itinakda sa Abril a-diyes ng 8:30 ng umaga ang arraignment ni Ressa.

Matatandaang nag-ugat ang naturang kaso sa reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-iisyu ng Philippine Depositary Receipts sa Indonesian company na Omidyar Network na sinasabing investor sa naturang online news website.

Tags: , ,