Rapid antigen testting pilot study, isasagawa sa isang piling lugar sa bansa upang makita kung gaano ito ka- epektibo sa pagtukoy ng COVID-19 positive – DOH

by Erika Endraca | September 21, 2020 (Monday) | 2517

METRO MANILA – Kinumpirma noong nakaraang Linggo ng Department Of Health (DOH) na babaguhin na ng IATF ang panuntunan sa paggamit ng antigen test sa lahat ng air domestic travelers.

Kasunod ito ng rekomendasyon ng World Health Organization (WHO)  na hindi maaring gamitin ang rapid antigen testing kits para sa border screening.

Nguni’t nitong Biyernes (September 18) inilabas ng IATF ang resolution no. 72 tungkol saa pagsasagawa ng pilot study sa rapid antigen tests, paliwanag ng DOH, may rekomendasyon naman ang w-h-o kung sakaling gagamitin ito

“Kailangan po nating balikan ang ating mga eksperto lalung-lalo na ang health technology assessment council natin para pag-aralan pang mas mabuti kung paano po natin ire-revise ang pathways na naibigay natin para po mas maging accurate po ang mga resulta natin kung gagamit po tayo nitong rapid antigen test”ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Nakatakda namang magsagawa ng pilot study ang DOH para sa rapid antigen test.

“Magkakaroon po tayo ng pilot study dito po sa isang city sa ating bansa para makikita po natin kung talagang puwede ho nating gamitin itong antigen test dito po sa mga sinasabing subsectors or special population of the society. ani DOH Spokesperson,Usec Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Usec Vergeire, naka- detalye sa ilalabas na omnibus guidelines kung kanino lang gagamitin ang rapid antigen testing.

Ang pagkakaiba nito sa rapid antibody test, hindi na mangangailangan ng confirmatory test kapag lumabas ang resulta nito.

“Kapag nagpositibo siya sa rapid antigen test, sigurado po kayo na positibo talaga ang pasyenteng iyan” ani DOH Spokesperson,Usec Maria Rosario Vergeire.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,