METRO MANILA – Hindi for commercial use ang mga rapid antibody test kits para sa COVID-19.
Ito ang nilinaw ni Department Of Health (DOH) Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire .
Aniya, maaari lamang itong gamitin sa mga testing center na may patubay ng mga doktor.
Noong Marso nilinaw din ng Food and Drug Administration (FDA) na “strictly for medical professionals” ang test kits at hindi pwedeng gamitin pang personal.
Ngayong buwan ng Hulyo, nasa 204 na ang aprubadong test kits ng FDA77 rito ang rapid antibody test kits
Bagaman walang naitalang death case noong Huwebes (July 9), nakapagtala naman ang pinakamaraming nasawi noong Biyernes (July 10) kung saan umabot ito ng 42.
64% o 24 sa mga nasawi ay naitala ngayong July nguni’t 12 sa mga ito ay mula pa sa buwan ng June .
Ayon kay Dr Beverly Ho ng OIC- Director for health promotion and communication service ng doh, karamihan ng mga nasawi ay mula sa central visayas
Ayon pa kay Dr. Ho, bagaman mataaas ang death cases noong Biyernes, mas mataas pa rin ang bilang ng mga nasawi noong Marso
(Aiko Miguel | UNTV News)