Rape suspects, napatay ng mga pulis sa isang engkwentro

by Radyo La Verdad | August 30, 2018 (Thursday) | 3032

Nagpapatrolya ang mga pulis sa bahagi ng Payatas Road pasado alas dose kaninang madaling araw nang biglang sumulpot ang babaeng humihingi ng saklolo.

Agad huminto ang mga pulis at napag-alaman na tumakas pala ang babae mula sa mga suspek matapos siyang gahasain.

Kwento ng 17 anyos na biktima na si Jane, hindi niya tunay na pangalan, habang naglalakad siya sa Madjaas Road ay bigla na lamang siyang hinarang ng dalawang suspek at nagdeklara ng holdap.

Tinutukan umano si Jane ng baril at pilit pinasakay sa motorsiklo. Dinala umano si Jane sa madilim na talahiban at doon isinagawa ang panghahalay.

Nakatakas si Jane sa mga suspek at habang hinahabol ng mga suspek ay tiyempo naman na nakita na ni Jane ang mga nagpapatrolyang pulis. Narekober sa mga suspek ang 2 kalibre 38 na baril.

Ayon sa Batasan PNP, nakatulong sa kanila ang isang concern citizen na nagreport sa kanila ng pagdukot kay Jane.

Samantala, maaring matawagan ang himpilan ng Batasan Police Station sa numerong 931-7870 para sa mga nais isumbong na mga insidente sa kanilang lugar.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,