Ranking ng mga nanalong senador, hindi iaanunsyo ng COMELEC sa May 18

by Radyo La Verdad | May 17, 2022 (Tuesday) | 12072

Isinasapinal na ng Commission on Elections ang programa at proseso sa proklamasyon ng mga bagong halal na senador sa bansa sa Miyerkules, May 17.

Magsisimula ito bandang alas-kwatro ng hapon at sabay-sabay na ipo-proklama ang labing dalawang senador nguni’t hindi sila tatawagin batay sa kanilang rankings.

Ayon kay COMELEC acting spokesperson Dr. John Rex Laudiangco, walang iaanunsyong rankings dahil may isasagawa pang special elections sa Lanao del Sur.

“We will proclaim the 12 but there will be no standing or ranking, ipo-proclaim po iyong 12 na highest na naka-garner ng votes. Walang standing or ranking pa in the meantime dahil nga po ko-kumpletuhin natin iyong Lanao del Sur,” pahayag ni Dir. John Rex Laudiangco, Acting Spokesperson, COMELEC.

Paliwang ng COMELEC, ang mga ipo-proklama ay sigurado nang pasok sa top 12. At kung ano man ang kalalabasan ng special elections ay hindi na ito gaaanong makaaapekto sa resulta ng halalan.

“Maaari lang pong makaapekto sa standing but not the winning senators. That’s why we are confident to proclaim the 12 on May 18, 4pm,’ dagdag ni Dir. John Rex Laudiangco, Acting Spokesperson, COMELEC.

Sa May 19, Huwebes alas kuwatro rin ng hapon isasagawa naman ang proclamation ng mga party-list na may tiyak ng posisyon sa mababang kapulungan ng kongreso.

“Not all 63 seats will be proclaimed on Thursday, it will be only limited to those who have are sure tha have garnered the guaranteed seats ili-limit po natin yan because on the mid and the bottom part of the computation, the remaining total of party-list votes might affect the positioning and standing of the party-list groups,” ani Dir. Laudiangco, Acting Spokesperson, COMELEC.

Pinapayagan ng COMELEC ang mga nanalong senador na magsama ng 5 bisita kabilang ang kanilang documentation officer

Pinapasumite na ng COMELEC ang vaccination status ng mga ipoproklamang senador maging ng kanilang mga kasama.

Paalala ng COMELEC sa mga dadalo ng proklamasyon, makiisa at sundin ang mga protocols lalo’t nasa gitna pa ng pandemya ang bansa.

Lahat dapat ay naka-face mask pa rin at may temperature screening pagpasok ng picc forum tent

Samantala ipinaliwanag naman ni COMELEC Commissioner George Erwin Rarcia na maaari pa ring maupo ang isang kandidatong may disqualification case hangga’t wala pang hatol laban sa kaniya.

“Hangga’t wala po kasing final na decision doon sa issue ng disqualification na pine-prevent po kaming mag- proklama,wala po kaming choice kung hindi iproklama po ang mananalo, lalo po ay kung ang mananalo ay sa senador po halimbawa,” panayag ni George Erwin Rarcia, COMELEC Commissioner.

Nguni’t iba naman ang polisiya kapag party-list na ang may kinahaharap na disqualification case .

“Ang party-list iba po ang rule natin doon, ang rule po dati ay kapag ang party-list ay haharap sa disqualification, hindi muna po ipinapa-proklama kapag ang humaharap naman po ng disqualficaitron ay nominees, hndi muna ipino-prokalam ang nominees pero ipino- proklama na po iyong party- list,” dagdag ni COMELEC Commissioner Garcia.

Samantala ang mga COC na lang mula sa isasagawang special elections sa Lanao del Sur ang hinihintay ng National Board of Canvassers.

172 na sa 173 COC ang na-canvass ng NBOC.

Aiko Miguel | UNTV News

Tags: ,