Random MRT-3 passengers, makatatanggap ng free antigen testing

by Radyo La Verdad | January 12, 2022 (Wednesday) | 494

METRO MANILA – Magsasagawa ng libreng antigen test ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa random passengers na papayag at magpiprisenta simula ngayong a-onse, sa Enero 17-21, Enero 24-28, at Enero 31.

Maglalagay ang MRT-3 ng antigen testing sites sa North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard at Taft Avenue stations tuwing peak hours, 7 AM – 9 AM at mula 5 PM – 7 PM at makakapag-accomodate ng 12-24 pasahero.

Manggagaling ang medical personnel na magsasagawa sa South Superhighway Medical Center at ang mga sasailalim sa antigen test ay magfi-fill up ng concent at contact tracing form bago sumailalim sa test.

Dagdag ng MRT-3, libreng makakasakay ang papayag sa random antigen testing at magne-negatibo ngunit ang magpopositibo ay pagbabawalang sumakay at agad ipagse-self isolate at kokontakin ang kanialng local government unit (LGU) representative para sa health monitoring and confirmatory reverse transcription-polymerase chain teaction (PT-PCR) testing.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)