Radio news writing and reporting workshop, dinaluhan ng daan-daang estudyante

by Radyo La Verdad | November 8, 2016 (Tuesday) | 1708

srs-covention

Matagumpay na idinaos ang ‘Student Reporters’ Convention’ sa Apalit Pampanga noong Oktubre 22, 2016 na dinaluhan ng mahigit sa walong daang estudyante na nagmula pa sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol, North Luzon, Central Luzon at Eastern Vizayas.

Nagpasimula ang naturang programa sa ganap na ala-una ng hapon. Unang tinalakay sa programa ang Basic News Writing at News Reporting na ibinahagi nina Mr. Bernard Dadis at Mr. Jun Soriao ng UNTV News Department.

Nabigyan din ng pagkakataon ang mga dumalo na aktuwal na kumalap ng balita sa pamamagitan ng simulation process na isinagawa. Gayundin ang tamang pamamaraan ng pagsulat at paghahatid ng mga balitang kanilang nakalap.

Pangunahing layunin ng ganitong pagtitipon ay upang maturuan ang mga nagnanais na matuto patungkol sa mundo ng pagbabalita.

Ayon nga kay Ms. Annie Rentoy, UNTV Radio Station Manager, isang napakagandang pagkakataon ito para bigyang kaalaman at turuan ang bawat isa, kahit pa ang mga hindi nakapag-aral ng kurso sa journalism, ang mahalaga ay ang kanilang pagnanais na matuto.

Layunin din nito ang makatugon sa adbokasiya ni Mr. Public Service, Kuya Daniel Razon para sa mas lalong malawak na paghahatid ng serbisyo publiko sa ating mga kapwa tao sa pamamagitan ng mga student reporters na nakakalat sa buong bansa.

(John Lester Villegas / Radyo La Verdad Student Reporter)

Tags: , ,