Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng improvement sa ginagawang paglaban ng pamahalaan sa kriminalidad at iligal na droga.
Paliwanag ito ng Malacañang sa naging pahayag nang punong ehekutibo kamakailan na magpapatupad siya ng radical change sa mga susunod na araw.
Bunsod na rin ito nang nabalitaan ng punong ehekutibo ang kaso ng pagpatay sa isang pregnant assistant prosecutor ng Office of the Ombudsman.
Samantala, lumala naman ang suliranin sa kapayapaan sa Pilipinas batay sa global peace index, ulat ng Institute for Economics and Peace, isang research institute sa Australia.
Mula sa ika-136 na pwesto noong 2017, bumaba sa ika-137 na pwesto ang Pilipinas kaugnay sa usapin ng peacefulness o kapayapaan.
Sa Asia-Pacific, kasunod ng North Korea ang Pilipinas sa least peaceful countries sa rehiyon.
Batay din sa ulat, dahilan ng pagbaba ng Pilipinas sa ranking ng peacefulness ang patuloy na anti-illegal drug operations at ang nangyaring digmaan sa Marawi City.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )