Quirino Highway binaha dahil sa tubig mula sa nasirang pipeline ng Maynilad

by Radyo La Verdad | August 25, 2017 (Friday) | 4883

Nagmistulang fountain ang tagas ng tubig sa nasirang pipeline ng Maynilad sa brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Pasado alas siete kagabi ng ireport ng mga tindera sa lugar ang sumabog na pipeline ng tubig. Dahil dito, napilitan silang magsara matapos pasukin ng tubig ang kanilang mga tindahan.

Sa lakas ng tagas, lumagpas pa sa poste ng kuryente sa lugar ang ibinuga nitong tubig. Nagdulot din ito ng pagbaha sa bahagi ng Quirino Highway at bahagyang bumagal ang daloy ng trapiko sa lugar.

Ayon kay Engineer Antonio Ramos ng Maynilad, bumigay ang lumang bulb sa pipeline ng tubig dahil sa lakas ng pressure. Paliwanag ng Maynilad, wala namang consumer na nawalan ng supply ng tubig maliban sa building kung saan nakakonekta ang pipeline na nasira.

Pasado alas dose ng hating gabi ay naayos rin ng Maynilad ang nasirang pipeline.

 

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , ,