METRO MANILA – Posibleng magkaroon ng tinatawag na holiday surge partikular na sa epicenter ng Covid-19 gaya ng Metro Manila.
Ayon sa UP Octa Research Group, ito ay kapag nagsagawa pa rin ng pagtitipon o mas gatherings ang publiko ngayong holiday season.
Kaya naman gaya ng napapaulat sa ibang bansa na pagkakaroon ng surge ng kaso, pinangangambahan ngayon ng mga eksperto na mangyari ito sa Pilipinas
Oras na mangyari ito at umabot sa kalahating Milyon ang Covid-19 cases bago matapos ang 2020, tiyak na hihigpitan ng pamahalaan ang quarantine status ng pilipinas at tiyak na maapektuhan muli ang ekonomiya.
“Kung bigla tayong magka- surge malaba na iyong magka- mgcq tayo by january kung nagka- holiday surge tayo in fact huwag naman sanang mangyari pero it’s even remotely possible na mabalik tayo sa mas strict na quarantine kaya nga ayaw natin mangyari iyan ” ani UP Octa research Dr Guido David.
K aya naman dapat ay maging maingat pa rin ang mamamayan at iwasan ang paglabas ng bahay lalo na kung hindi naman talaga kailangan.
“Kailangan natin i- prevent iyong sinasabi nilang surge, iyong pagbulusok ng mga kaso. mapupuno ang mga ospital at maraming health workers na mahihirapan at maaaring mamatay. iyon po ang panawagan natin sa ating mga kababayan hindi talaga pwede pang mag- kumpiyansa at magpabaya” ani Octa Research Prof Ranjit Rye.
Samantala posible rin namang ibaba ang quarantine restrictions sa Modified General Community Quarantine kung makikitaan ng patuloy na pagbaba ng kaso.
Nguni’t sa ngayon ay hindi pa napapanahon ito dahil maaaring madadagdagan ng 10,000 – 20,000 ang kaso ng Covid-19 sa bansa
“Kung magpatuloy ang pagbaba ng bilang ng kaso we agree with the, pwede naming echo iyong sinabi ni Usec Vergeire na mag- mgcq na tayo by the first quarter of next year pero ang condition niyan it’s ang patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso” ani Octa Research Dr Guido David.
Pakiusap ng mga eksperto sa pribadong sektor, lokal na pamahalaan at publiko, sundin pa rin ang minimum health standards lalo na ang physical distancing sa matataong lugar at huwag munang magsagawa ng physical gatherings ngayong holiday season .
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Covid-19, Quarantine Restriction