METRO MANILA – Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Interagency Task Force ang ipinatutupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region Plus hanggang June 30.
Ngunit may ilang pagluluwag sa ibang mga lugar.
GCQ na may ilang paghihigpit sa Metro Manila at Bulacan.
Mananatiling GCQ with heightened restrictions naman sa Rizal, Laguna at Cavite.
Regular na GCQ naman ang ipatutupad sa buong buwan ng Hunyo sa Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Abra, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batangas, Quezon, Iligan City, Davao Del Norte, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato, Lanao Del Sur at Cotabato City.
Modified Enhanced Community Quarantine naman ang ipatutupad hanggang June 30 sa City of Santiago, Cagayan, Apayao, Ifugao, Bataan, Lucena City,Puerto Princesa, Naga City, Iloilo City, Negros Oriental, Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Del Norte, Cagayan De Oro City, Davao City, Butuan City. Agusan Del Sur, Dinagat Islands At Surigao Del Sur.
Modified GCQ naman ang natitirang mga lugar sa bansa.
Sa ilalim ng MECQ pinapayagan ang outdoor dining ng hanggang 50% capacity, indoor dining 10%, outdoor sports 50% capacity, personal care service 30%, bawal pa ang contact sports at tourist attractions.
“Ang indoor visitor or tourist attractions, library, archives, museums, gatherings, hindi po allowed, ang outdoor tourist attractions hindi po allowed, ang venues, meetings, conferences and exhibitions not allowed, and personal care services , beauty salons,nail spa hanggang 30 % lang po yan po ang sa MECQ”ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
Para sa mga lugar na nasa regular o ordinary GCQ , pinapayagan hanggang 50% capacity ang indoor sports and venues, indoor tourist attractions, meetings, conference, exhibitions, salons, beauty parlor, beauty clinis, outdoor tourist attractions, indoor dining at religious activities mula 30% hanggang 50% capacity na didepende sa local government unit.
May kaunti namang pagbabago na ipatutupad sa Metro Manila at Laguna.
“At dito sa Metro Manila at ang Laguna dahil mas mababang gcq po yan, gcq nga po yan pero binago lang ng kaunti yung pagdating po sa mga gyms ano” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
Papayagan ang gym at indoor dining ng hanggang 30% capacity at maaaring madagdagan ng 10% kung may safety seal ang establishment.
Sa mga nasa GCQ with heightened restrictions, pwede ang indoor dining ng hanggang 30% capacity , religioug activities at services mula 30% hanggang 50% depende sa Local Government Unit.
Samantala, inaprubahan rin ni Pangulong Duterte ang pagpapalawig ng hanggang June 30 ang travel restrictions sa mga inbound passengers na manggagaling sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman.
Layon nito na maiwasang makapasok sa bansa ang ibang COVID 19 variants.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: Quarantine Restrictions