QC Mayor Herbert Bautista, pinabulaanan ang balitang ayaw niyang ipagamit kay VP-elect Robredo ang Boracay mansion sa New Manila

by Radyo La Verdad | June 21, 2016 (Tuesday) | 1592

AIKO_BISTEK

Pinabulanaan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na hindi sang-ayon ang pamunuan ng lungsod ng Quezon City na gawing tanggapan ng vice president ang Executive Reception House sa New Manila.

Ang Quezon City Reception House na kilala dati bilang Boracay mansion ay itinayo upang magsilbing guest house ng mga ambassador at iba pang kilalang personalidad na bibisita sa bansa.

Inaasahang matatapos na ang paggawa sa reception house nitong katapusan ng buwan ng Hunyo at inihahanda na para maging tanggapan ng Vice President-elect Leni Robredo.

Kasalukuyang inaayos pa ang ilang dokumento ng executive house upang tuluyang magamit bilang tanggapan ng pangalawang pangulo.

Mayroong limang kuwarto ang executive house at labing isang comfort room.

Tinatapos pa ang konstruksyon ng gazebo o tanggapan ng mga panauhin, canteen at building facilty para sa mga presidential security guard.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,